By ; Angelita P. Oblianda
Unang araw sa pagpasok ni Glenda sa paaralang ito ng Osup Academy. Siya’y nasa ikaapat na taon na sa sekondarya. Nag-iisa siyang nakaupo malapit sa may kantina ng paaralan habang nakatanaw sa mga bago niyang ka kaklase na labas-masok sa gate at ang iba nama’y matiyagang nagwawalis.
Sa kabilang sulok ay makikita ang gym ng paaralan at may mga lalaking naglalaro ng basketbol. Sa upuan ng gym ay may isang matipunong lalaking nagdamit ng pambasketbol na wari’y pagod sa paglalaro pero kitang kita na ito’y masayang nakipagbiruan sa mga babaeng nakapalibot sa kanya.
Bigla niyang naalala ang lalaking kasing edad niya at naging ka kaklase niya noon. Ngumiti siya at kinilig sa kanyang nararamdaman noon na ngayo’y buhay na buhay pa rin. Pilit niyang itinago ang kanyang nararamdaman dahil nahihiya siya at baka pagtawanan lang siya pag nalaman na may pagtingin siya nito. Sa dami-dami nga namang babae sa buhay ni Troy ay hindi na maisip na siya’y bigyang pansin nito. Nais niyang kalimutan na ang nakaraan, ngunit hindi mapigilan ang pusong pilit na nagtatanong kung nasaan na ang lalaking bumihag sa kanyang pusong uhaw sa pag-ibig. Makikita pa kaya niya ito?
Nahinto ang kanyang magandang mala-panaginip nang tumunog na ang kampana para sa oras ng pagpasok. Lahat ay nagsipagpasok na sa kanya-kanyang klase nang biglang may nagtanong sa kanya na nanggagaling sa kanyang likuran.
“Excuse me miss, baguhan ka ba dito?”
Lumingon siya sa likod at nabigla siya sa kanyang nakita. Parang hindi siya handang makita ito ngayon sa ganitong sitwasyon. Pero sa kaloob-looban ng kanyang puso ay ubod ng sabik at saya na ito’y makita at makasamang muli.
“H-ha? Ah, oo.”
Tinanong siya ng lalaki kung bakit ito na nabigla nang siya’y makita ngunit itinanggi ni Glenda na siya’y nabigla. Ayaw niyang ipahalata na kilala niya ito. Nagmamadali siyang umalis sa kanyang kinatatayuan. At sa kanyang pagmamadali CR ang kanyang napasok.
“Miss ok ka lang? CR yang pinasok mo eh. Kung gusto mo ihatid na kita sa klase mo?”
Tumanggi siyang magpahatid sa kanyang klase. Kaya nauna na siyang lumakad. Matagal-tagal rin siyang naglakad dahil nasa pinakadulo ang kanyang classroom. Nang papasok na sana si Glenda ay nagtaka siya kung bakit sinundan pa rin siya ng lalaking ito. Yun pala magkaklase lang nila.
Hindi na siya kilala ni Troy dahil matagal na rin silang hindi nagkita at nagkasama. At isa pa, lalong pumuti at gumanda si Glenda ngayon. Mataas ang buhok at matuwid pa.
Ipinakilala si Glenda ng kanyang guro sa kanyang mga kaklase. Siya ay napilitang lumipat sa Osup Academy sa kalagitnaan ng taon dahil namatay ay ang kanyang ina at ditto siya pinaaral ng kanyang tiyuhin na may sariling bahay na malapit lang sa paaralan.
Araw-araw nalang niyang makikita si Troy na may mga babaeng kasama at ang lambing pa nila. Hanggang nagtagal lalong tumindi ang sakit na kanyang nararamdaman. Tuluyan na kaya siyang mahuhulog kay Troy?
Inis at may halong selos nalang araw-araw ang makukuha niya sa lalaking ito. Ni hindi nga siya pinansin na nito. Umasa siya na baling araw ay mapansin rin siya at mararamdaman rin ni Troy ang kung ano ang nararamdaman niya ngayon.
Lalong nawalan na siya ng pag-asa nang makita niya si Jessica at Troy na malambing na nagsisimba. Si Jessica ay isa sa mga naging kaklase niya na palaging kasama sa mga babaeng buntot ng buntot kay Troy.
Isang araw habang naglalakad si Glenda sa paaralan ay nakasalubong niya si Troy na nakangiti kaya binigyan niya rin ito ng matatamis na ngiti. Nararamdaman niya ang sayang umaabot hanggang langit. Sabik na siyang makipagkaibigan kay Troy o kaya’y makipagdate sa kanya kahit kailan. Kung sakaling siyang anyayahan nito, buong puso at walang dudang tanggapin niya ang alok na makipagdate.
Ngunit nadedepressed siya nang dinaanan lang siya nito, yon pala ang mga babaeng nasa likuran niya ang kanyang kinawayan. At may halikan pang nagaganap nang siya ay lumingon sa likod.
Palagi nalang nag-iisa at malungkot si Glenda mula ng lumipat siya sa pag-aaral. Lalong lalo na ngayong darating na ang araw ng mga puso hindi niya alam kung sino ang ka escort niya sa kanilang JS Prom. Nakakalungkot isipin ni isang lalaking pwede niyang ikapartner, wala siyang maisip.
Sa klase nag-uusap sila at nagkasunduan kung sino ang kani-kanilang partner. Marami sana ang gustong makipagpartner kay Troy kaya lang isa lamang ang pwedeng maging partner. At siya ang pinagpalang si Jessica. Nagselos na naman si Glenda dahil bukod siya’y pinagpalang maging partner ni Troy, bukod tangi pa ang kagandahang taglay nito.
Dumating na ang araw na pinakahihintay ng lahat. Ang araw ng mga puso. Ang lahat ay nakabihis nang maayos at talagang napakabongga ang dating. Hindi nasasabik si Glenda na maisuot ang kanyang kulay pink na tube na gown at ternong sandal dahil wala nga siyang partner at nakasisiguro siyang magmumukhang sisiw na iniwanan ng inahing manok. Alang-alang sa kasiyahan ng lahat, tumuloy siya sa pagdalo ng kanilang JS Prom.
Nasa pinakasulok na mesa si Glenda, nag-iisang nakaupo ni walang makausap. Maya maya’y sinimulan na ang nasabing okasyon. Si Jessica ay tumuntong na sa entablado’t bumati sa lahat ng mga estudyanteng dumalo. Marami siyang mga bagay na sinasabi na marapat na ginagawa ng isang aktibong president ng buong grupo ng estudyante. Bilang isang lider, karangalan niyang mangulo sa okasyong ito. Siya ang binilin ng kanyang guro na mamahala sa buong estudyanteng kasali sa JS Prom. Dahil dito may mahalagang ianunsyo si Jessica sa lahat ng dumalo.
Biglang tumahimik ang lahat upang making sa sasabihin. Ayon sa kanya may tatanghalin silang king and queen of hearts at kailangan na ang mga dumalo mismo ang pipili kung sino ang matatanghal. Lahat ay nagsisigawan at pangalan ni Troy ang kanilang isinisigaw.
Si Troy naman ay parang nasa langit dahil ubod nang saya ang kanyang nararamdaman. Ang dami palang humanga sa kanyang kamatsuhan na mala-Gerald Anderson. Ang suot niyang black slacks with polo at black shoes na napakakinis ay parang naging attorney ang dating.
Nagsimula na magsalita ang mukhang artista at feeling artista na si Troy. Nagawa pa nitong magflirt sa mga babae pero bumalik din ito sa seryosong mukha.
Sa ginawa ni Troy ay napaligaya naman niya si Glenda. Ngayon palang niya nakita si Troy na marunong din palang magseryoso. Kahit nasa sulok na bahagi siya ng hotel ay dinig na dinig pa rin niya ang boses ni Troy na buong-buo at boses na parang isang tunay na lalaki. Sa likod ng babaerong mukha , may malaking ipinagbago na rin pala ang lalaking ito.
Napatigil si Glenda sa kanyang pag-iisip ng kung anu-ano sa lalaking ito, nang biglang magsalita si Troy na kailangan na niyang pumili ng magiging Queen.
Nais niyang ianunsyo sa lahat na kung maaari ay pahintulutan siyang makapartner ang kanyang pinakamamahal na babae. Ang babaeng malapit sa kanyang puso. Sa kasiyahan at kalungkutan siya ay karamay. Siya ay walang iba kundi ang kanyang pinsan, na para na ring syota niya kung sila’y magkasama, si Jessica.
Nandilat ang mata ni Glenda nang malaman niya na pinsan pala niya si Jessica. Parang lumuwag ang kanyang pakiramdam. Parang gusto niyang sumigaw na “thank you Lord”, ngunit pinigilan niya ang kanyang sarili dahil ayaw niyang mahalata ito. Conservative pa rin siya kahit papaano. Parang may pag-asa pa siyang mapansin nito. Di bale nalang walang partner ngayon, si Jessica naman talaga ang pwede niyang maging partner, kontento na rin siyang malaman na walang namagitan nina Troy at Jessica.
Ngumiti si Jessica sa sinabi ni Troy. Alam niyang mahal siya ng kanyang pinsan. Bata palang sila ay magkasabay na silang lumaki at nag-aral. Kaya hanggang ngayon ay para silang magkabarkada. Nagsimula ng magsalita si Jessica sa pinakaimportanteng bagay na nais malaman ng lahat. Nais ni Troy na ang kanyang pinsan na ang bahalang mag-anunsyo sa maaaring ikamangha ng lahat. Dahil gusto ni Jessica na ang babaeng maging partner ni Troy ay yong deserving para sa kanya, kaya siya na ang pumili nito.
“Parang maging pantay , gusto kong ipaalam na hindi ako ang magiging queen, kundi ang babaeng dumalo dito na walang partner. Siguro naman ito ikamangha ninyo. Gusto ko lang na maging masaya ang aking pinsan sa araw na ito sa piling ng babaeng matagal na niyang mahal ngunit di niya magawang sabihin dahil hindi pa siya sigurado noon kung ito nga ba ay nararapat sa kanya. Ngunit ngayon sigurado na siya, na ito ang unang babaeng maaari niyang ligawan, ngayong nanadito na siya, nagmaang-maangan pa siyang hindi niya kilala. Pero sadyang mapagbiro ang tadhana.”
Muling nalungkot si Glenda sa narinig. Ibig sabihin NGSB si Troy. Kung sakaling makapili na siya ng babaeng nararapat sa kanya, tuluyan na mawalan ng saysay ang buhay ni Glenda.
Nagpatuloy sa pagsasalita si Jessica,”Ito walang iba kundi ang babaeng nakaupo sa may pinakasulok na bahagi ng room na ito.”
Ang mga dumalo ay sabay na lumingon kay Glenda. Lumingon lingon si Glenda sa pag-aakalang hindi siya ang tinatanaw ng mga tao. Naginginig siya at umiiyak . Hindi siya makapaniwala. Dahil alam niyang siya ang tinitukoy ni Jessica. Biglang pinatay ang ilaw at ang tanging nakabukas ay ang mala-lenteng ilaw na pagala-gala. Ang ilaw ay nakatuon kay Glenda na lalong gumanda sa suot niyang may kumikinang-kinang dala ng inilagay na sequence. Ineiskort siya ni Troy papuntang entablado. Pinatugtog ang kantang ”IKAW NA NGA” at isinayaw niya si Glenda. Dito nagsimula ang kanilang masarap at walang hanggan na pag-iibigan. At sa wakas, ang nooy mga panaginip lamang ay nagiging totoo lahat. Hindi halos makapaniwala si Glenda sa nangyari. Dito pala hahantong ang tinatawag na destiny at sa puntong ito, nilubos-lubos niya ang pagkakataong makayakap nang mahigpit ang lalaking matagal na niyang inaasam na may pagtingin rin pala sa kanya.
IKAW NA NGA ANG HINAHANAP NG PUSO KO
Posted on Tuesday, January 25, 2011
by Angel
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 Responses to "IKAW NA NGA ANG HINAHANAP NG PUSO KO":
Post a Comment